Sabi ko sa sarili ko, magiging masipag na akong magblog. Pero epic fail pa din. Andami ko na sanang entry. Lahat nasa "draft" section. Kaya eto. Kahit nasa kalagitnaan ako ng work e eto ako at nagsusulat. Ang lakas ng loob ko no? Hindi naman. Actually, syempre bawal to, ginagawa ko na lang e nililipat ko ang screen page pag may lumalapit sa desk ko. Ayus!
Going back...
Naglagay na nga ako ng mini diary/notebook sa daladalahan kong bag araw araw, para kapag may bigla akong maisip na topic o kahit ano, e isusulat ko. Madalas kasi kung minsan, kapag nasa MRT ako, naglalakad, nasa grocery, nasa trabaho, may kausap, nanonood ng tv, doon sa mga oras na yun ako biglang may gusto sanang isulat. Pero pag sa oras na ng nakaharap ako sa aking laptop, Parang nag evaporate na lahat. Short term memory pa man din ako. Kaya laging fail.
Sa kabilang banda....
Gusto ko lang ishare na nung nakaraang month, naganap na ang taunang appraisal sa aming ospital. Ang nakuha kong grado? Ok naman. Much better ika nga nung naconfirm ako (naregular). Natuwa lang ako sa mga katagang, "you are very hardworking" at "work well with colleagues". Masipag naman talaga ako, lalo na pag hindi tinopak at sinumpong ng "katam". Hahaha! Kaya sana magtranslate ang mga positibong remarks na yan sa cash! haha! ako na ang mukhang $$$. Lol.
That's all. Balik trabaho na muna.
No comments:
Post a Comment