I was up as early as 4am today and was so excited to run. Me, Wela, Charis & Mae have participated in the 34th Milo Run here in Olongapo. It was fun!!! The route of the marathon passed by at my work place and I was pretending to run fast as I waved at my co-workers. For the 4 of us, Mae finished first, then me, Charis then Wela. And as we walked our way home, we are thinking of joining in the BGC run this 28th in Manila. J
Showing posts with label fun run. Show all posts
Showing posts with label fun run. Show all posts
Saturday, November 13, 2010
Wednesday, November 10, 2010
run fOurdee, run!!!
So, nakikitakbo na din ako?? Gaya ng iba, eto ako at sumali ulit sa nalalapit na 34th Milo Marathon na gaganapin dito sa Gapo. Seryosohan na ba ang pagtakbo na ito?? Naahh. Marahil, gusto ko lang sigurong malibang at ma-exercise ng kaunti. Kung sabagay, wala naman akong ibang exercise kundi ang paglalakad, hindi na rin naman ako nakabalik mag gym sa Slimmer's World. hectic na ang sched.
Naisip ko na kung nasa Maynila lang ako, di lang siguro ito ang pangalawang beses kong tatakbo. Mga ilang taon na rin ang lumipas ng mauso ang mga fun run. Halos lahat na ata ng kumpanya e may activity na ganito, kaya naglipana na ang mga sports buff at health conscious. Kami nga sa batch namin, dapat e gagawa kami ng ganitong proyekto pero naisip ko mahirap pala, maraming dapat kausapin at kuning sponsor, di basta basta ang ganitong event. Kaya naghihintay na lamang ako ng mga run events na gaganapin dito sa amin. Una akong tumakbo sa Subic R.A.C.E., kasama ko noon ang mga kapatid ko, masaya. Parang sa loob ng humigit 10 taon e nakatakbo din ako ulit. HS pa ata nga nung huling tumakbo ako ng 100m dash nung sports fest namin. Kaya medyo nahirapan pa nga ako kahit 3k run yun sinalihan kong unang fun run , pambata, pero nahirapan ako dahil nga siguro nabigla din ang katawan ko sa pagpumilit kong bilisan ang takbo para matapos ko ng maaga at magkaroon ng magandang time. 4 na araw na lang at tatakbo ako ulit. Pero wala pa akong practice. This time, 5k ang tatakbuhin ko, level up dapat!! Kaya dapat medyo mag unat unat na ako at mag warm up para ok ako sa pagtakbo.
Ikaw, tatakbo ka?
Subscribe to:
Posts (Atom)