Wednesday, November 10, 2010

run fOurdee, run!!!

So, nakikitakbo na din ako?? Gaya ng iba, eto ako at sumali ulit sa nalalapit na 34th Milo Marathon na gaganapin dito sa Gapo. Seryosohan na ba ang pagtakbo na ito?? Naahh. Marahil, gusto ko lang sigurong malibang at ma-exercise ng kaunti. Kung sabagay, wala naman akong ibang exercise kundi ang paglalakad, hindi na rin naman ako nakabalik mag gym sa Slimmer's World. hectic na ang sched. 




Naisip ko na kung nasa Maynila lang ako, di lang siguro ito ang pangalawang beses kong tatakbo. Mga ilang taon na rin ang lumipas ng mauso ang mga fun run. Halos lahat na ata ng kumpanya e may activity na ganito, kaya naglipana na ang mga sports buff at health conscious. Kami nga sa batch namin, dapat e gagawa kami ng ganitong proyekto pero naisip ko mahirap pala, maraming dapat kausapin at kuning sponsor, di basta basta ang ganitong event. Kaya naghihintay na lamang ako ng mga run events na gaganapin dito sa amin. Una akong tumakbo sa Subic R.A.C.E., kasama ko noon ang mga kapatid ko, masaya. Parang sa loob ng humigit 10 taon e nakatakbo din ako ulit. HS pa ata nga nung huling tumakbo ako ng 100m dash nung sports fest namin. Kaya medyo nahirapan pa nga ako kahit 3k run yun sinalihan kong unang fun run , pambata, pero nahirapan ako dahil nga siguro nabigla din ang katawan ko sa pagpumilit kong bilisan ang takbo para matapos ko ng maaga at magkaroon ng magandang time. 4 na araw na lang at tatakbo ako ulit. Pero wala pa akong practice. This time, 5k ang tatakbuhin ko, level up dapat!! Kaya dapat medyo mag unat unat na ako at mag warm up para ok ako sa pagtakbo.

Ikaw, tatakbo ka?

2 comments:

Anonymous said...

yey! i like! =) 5km tayo! si mam wela? 5km na rin? =)

foureyedguy said...

yup.. lahat tau 5k.. hihihi